Monday, December 24, 2007

HOW TO MANAGE YOUR HARD EARN MONEY

Mga kababayang OFW, gusto kong ishare sa inyo ang isang way upang mamanage o makaipon kayo mula sa inyong kinikita sa abroad...lahat tayong nag abroad ay nais lamang makaipon at kung maaari ay makabalik na sa ating bansa...sabi nga nila, masarap pa din mamuhay sa pinas basta't may sapat kang pera pangtustos sa araw araw na pangangailangan ng pamilya mo.

So paano mo magagawa ito kung di ka magiipon at magpaplano para matustusan mo yung pangangailangan mo kung babalik ka sa pinas.

Marami na akong kilalang kapwa OFW dito sa dubai, na kung magpadala ng pera sa pamilya nila sa pinas ay halos buong sweldo nya kada buwan.Ang tinitira lang ang panggastos nila dito sa abroad sa pang arawaraw.Wala pong masama dun pero yun eh kung mahahawakan o ma-manage`yung pera na pinadala mo.Sa aking pananaw kasi pag pinadalhan ka ng higit sa inyong kailangan eh di ka matutotong magtipid..kasi alam mo na may dadating ulit sa susunod na buwan..tama po ba?..sorry to say pero totoo po yun..karamihan sa pilipino pag nasa abroad panay ang bili ng kung ano anong gamit, na di naman kailangan. Dapat i maintain pa rin natin ang low profile dahil hindi habang buhay eh nandito tayo sa abroad.

IPON BATA yan ang goal mo kung ayaw mong tumagal dito.

bibigyan ko po kayo ng ilang tips upang makaipon kayo o ma-manage nyo ang inyong pera.
1. mag open ng bank account sa mga remitance center sa abroad..(pnb, banco de oro, bpi, etc.) mas mura po dito mag open kasi maliit ang maintaining balance dahil sa OFW tyo..o kung magbabakasyon kayo sa pinas dun na kayo mag open kung saan malapit na banko sa inyo.
2. mag open kayo ng 2 saving account isang passbook (tawagin natin acct 1) at isang yung may atm (acct 2)..yung atm eh iiwan nyo sa pamilya nyo para mawithdraw ng remitance nyo.. yung isa ang saving account nyo( take note isang bank lang ang accounts nyo ha)
3. i enroll nyo sa interbanking yung 2 account nyo (itanong nyo sa bank clerk kung paano mag enroll sa internet banking) para maaccess nyo sa abroad yung mga accounts nyo gamit ang internet.(huwag po kayong matakot sa internet banking dahil matagal ko na pong gamit ito at wala naman po ako na encounter na problema)
4. kapag nagpadala ka ng pera, ideposit mo sa acct 1 mo para maipon dahil walang makakawithdraw nun kundi ikaw lang dahil na syo ang passbook.Tapos mag online ka sa internet at iaccess mo yung internet banking mo. Makikita mo yung balance ng 2 accounts mo at pwede mong itransfer yung pera mula sa acct 1 papunta ng acct 2 na may atm para mawithdraw ng pamilya nyo sa pinas. Wala pong bayad ang pag transfer ng pera mula sa accts nyo dahil perahong nasa pangalan nyo yun at pera nyo yun. Ang advantage nito ay mali-limit at macontrol nyo yung withdrawal ng pamilya nyo. At kung kailangan nila pera isang click lang sa internet matransfer nyo agad ang pera at di na kailangan mag remit o mag door to door lagi.
5. Dahil naiipon sa acct 1 yung pera nyo (dahil dun lang kayo magreremit) at sa acct 2 kayo mag transfer gamit ang internet banking. Kayo mismo ang magiipon ng pera nyo. Di po sa wala akong tiwala sa pamilya ko pero mas maganda na ikaw mismo ang mag ipon ng perang pinag hihirapan mo. Total isang click lang eh matra-transfer naman agad ang pera kung kailangan nila.

Sa ganitong systema ikaw ang nagkokontrol ng perang pinaghirapan mo.

Sana po ay may maitulong ako sa inyo sa blog kong ito.


itong pong mga links ng bank na may internet banking

http://www.bdo.com.ph/
http://www.bpi.com.ph/
http://www.metrobank.com.ph/
http://www.pnb.com.ph/

ricomoraga

1 comment:

Anonymous said...

salamat , napakalaking tulong yong ginawa mo para sa nagbabalak maging OFW